Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (February 5), 48,541 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 771 ang aktibo pang kaso.
229 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 47,643 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 127 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES