Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.74 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.74 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,743,921 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 924,530.

Sumunod na rito ang Brazil na may 631,069 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 501,143 naman ang death toll sa India habang 334,039 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 308,829
– Peru – 206,406
– United Kingdom – 157,984
– Italy – 148,167
– Indonesia – 144,453
– Colombia – 135,282
– Iran – 132,681
– France – 132,207
– Argentina – 122,439
– Germany – 119,234
– Poland – 106,306
– Ukraine – 100,983

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 391,393,876 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 310,264,020 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...