Higit 6,300 eskuwelahan handa na sa expansion ng limited face-to-face classes

Inanunsiyo ni Education Secretary Leonor Briones na mahigit 6,000 paaralan sa bansa ang handa na sa expansion phase ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Briones nakapagsagawa na ng imbentaryo sa mga paaralan para matiyak na magiging ligtas ang muling paghaharap ng mga guro at kanilang mga estudyante sa loob ng mga silid-paaralan.

Ibinahagi ni ASec. Malcolm Garma, 6,347 paaralan ang lumabas na handa nang tumanggap muli ng mga estudyante base sa Alert Level Classification ng Inter Agency Task Force (IATF).

Una nang inanunsiyo ng DepEd na inaprubahan na ni Pangulong Duterye ang ‘expansion phase.’

Tanging mga fully vaccinated teachers lamang din ang makakaharap ng limitadong bilang ng mga mag-aaral.

 

Read more...