Isang araw matapos ianunsiyo ang exposure ni Pangulong Duterte sa isang COVID 19 patient, sinabi ng Malakanyang na tapos na ang pag-quarantine ng Punong Ehekutibo.
Ibinahagi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na na-exposed si Pangulong Duterte sa isang household staff na lumabas na positibo sa nakakamatay na sakit noong Enero 28.
Kahapon, kinumpirma ng Palasyo na dinala sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ang Punong Ehekutibo, ngunit ayon kay Nograles, ito ay sumailalim lamang sa routinary medical check up.
Ibinahagi na rin ni Nograles na naka-quarantine lamang si Pangulong Duterte at walang katotohanan na nahawa ito ng COVID 19.
Nabatid na dalawang ulit na rin nagpa-COVID 19 test ang Pangulo at parehong negatibo ang resulta.
Nakumpirma na dalawa sa mga kasambahay nito ang nag-positibo sa nakakamatay na sakit.