‘Logistical challenges’ sa pediatric vaccination kinuwestiyon ng partylist solon

Pinuna ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes ang idinahilan na ‘logistical challenges’ kayat naurong ang dapat na simula nang pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang 11.

Sinabi ni Ordanes, ilang buwan nang ikinakasa ang national vaccination program kayat dapat ay natutuhanan na ang lahat ng leksyon para mas mapabuti ito.

Binanggit din nito ang pagkasa sa Resbakuna sa Botika na hanggang ngayon ay sa ilan lamang mga botika naisasagawa.

Ayon sa namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens dapat ay maisagawa din ang pediatric vaccination sa klinika ng mga eskuwelahan.

“Mayroon silang healthcare personnel, facilities at logistical means para mabakunahan ang mga nasa kanila komunidad,” sabi pa ni Ordanes, na idinagdag na maging ang mga pribadong kompaniya ay mayroon din sariling klinika at medical personnel.

Pagdidiin pa nito, mahalaga sa kapwa matatanda at bata ang bakuna.

“Paano naming mayayakap at maipapasyal ang aming mga apo kung nangangamba kami na hindi pa sila bakunado, na kapag nahawa sila ay maari silang magkasakit  nang malubha dahil wala silang proteksyon laban sa COVID 19,” giit pa ng mambabatas.

Read more...