Naglunsad ng bagong Land Transportation Office-Philippines (LTO) Central Command Center (C3) at incident reporting mobile app na CitiSend upang matugunan ang problema sa road accidents at motor vehicle-related crimes.
“Sa tulong ng imprastrukturang ito at kapag ginamit mo itong app na CitiSend, magkakaroon ka ng ugnayan direkta sa LTO kung saan bibigyang solusyon at atensyon ang mga nangyayari na nakaka-apekto sa seguridad at safety ng publiko,” paliwanag ni Transportation Secretary Art Tugade sa inagurasyon ng LTO Central Command Center (C3) sa araw ng Biyernes, February 4.
Sinabi ng kalihim na magsisilbing direktang linya ng komunikasyon ng LTO ang CitiSend app.
“There is no substitute to safety. Itong instrumento na ito ay isang magandang system kung saan makakatulong ito sa pagganap at pagbago ng safety sa ating mga kalsada,” dagdag nito.
Sa pamamagitan ng technical innovation design upang matiyak ang road safety at public awareness sa bansa, masisilbi ang LTO C3 bilang ‘central nerve’ ng operasyon at law enforcement service ng ahensya.
“Saludo ako sa inyo dahil binigyan ninyong patotoo ang programang ‘Digitization’ sapagkat dito mawawala ang tinatawag na intervention of human hands, ang mananaig at mapapalaganap ay teknolohiya,” ani Tugade.