Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (February 4), pumalo na sa 3,594,002 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 151,389 o 4.2 porsyento ang aktibong kaso.
6,522 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 139,940 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,107 ang moderate, 1,500 ang severe, habang 320 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 46 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,214 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,474 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,388,399 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.