Tapos nang sumailalim si Pangulong Rodrigo Duterte sa quarantine.
Ito ay matapos ma-expose ang pangulo sa isang household staff na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, nakumpleto na ng pangulo ang kinakailangang isolation period.
Tiniyak din nito na maayos ang lagay ng pangulo matapos dumaan sa medical check-up sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
“Pagkatapos ng kanyang routine medical check-up, okay naman si Pangulo ‘no. He is as healthy as any healthy individual at his age would be,” pahayag nito.
Nauna nang sinabi ni Nograles na kapwa negatibo ang resulta ng RT-PCR test sa pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES