Bilang ng fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa, higit 59.59-M na

Taguig City government photo

Umabot na sa 59,595,154 ang bilang ng mga fully vaccinated na indibiduwal sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard hanggang February 3, 60,592,696 na ang nakatanggap ng first dose habang 7,870,281 naman ang booster dose.

Bunsod nito, 128,058,131 na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine dose na na-administer sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 3, nasa 153,355 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, patuloy na hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang maprotektahan kontra sa nakahahawang sakit.

Read more...