COVID-19 cases sa lahat ng HUC sa Visayas, pababa na – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Pababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lahat ng highly-urbanized cities (HUCs) sa Visayas, ayon sa independent analytics group na OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, base sa datos hanggang February 3, bumaba na sa ‘high risk’ ang Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban.

Nanatili naman sa ‘very high risk’ ang Iloilo City.

Base sa ibinahagi pa nitong datos, nakapagtala ang Bacolod ng -36 percent one-week growth rate sa mga kaso.

Nakapagtala naman ng -46 percent ang Cebu City, -35 percent ang Iloilo City, -49 percent ang Lapu-lapu, -53 percent ang Mandaue, at -40 percent ang Ormoc, habang -63 percent naman sa Tacloban.

Samantala, nasa 1.11 naman ang reproduction number sa Bacolod, 0.87 sa Cebu City, 1.08 sa Iloilo City, 0.88 sa Lapu-lapu, 0.92 sa Mandaue, 0.94 sa Ormoc, at 0.60 sa Tacloban.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 3, nasa 153,335 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.

Read more...