Network upgrades nagbunga ng maganda sa Globe noong 2021

Nagpatuloy ang magandang network performance ng Globe sa huling yugto ng 2021 bunga ng agresibong upgrading ng kanilang network capabilities.

Sa datos na inilabas ng Ookla, noong fourth quarter ng nakaraang taon, nakapagtala ang Globe ng 51% improvement sa download speed, kumpara sa first quarter ng taon.

Umangat din ang consistency score ng Globe sa 78.82% mula sa 70.59% na naitala noong 1st quarter para pumantay na sa tinatawag na ‘global benchmark.’

Sa speed score, nakapagtala ang network ng 18.51% noong 4th quarter mula sa 12.27% sa unang bahagi ng nakaraang taon.

“Our network performance in the latest Ookla report further solidifies the impact of our commitment to #1stWorldNetwork for the country. As we continue to widen the reach of our infrastructure, we also adopt and apply more advanced technologies to make sure we deliver top-notch service for our customers. Having a better network also supports customer experience in using our various digital solutions under the Globe Group,” sabi ni Globe president at CEO Ernest Cu.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (SDG) partikular na sa bahagi na ginagampanan ng imprastraktura at inobasyon sa progreso at pag-unlad ng ekonomiya.

Read more...