Sa inilabas na abiso ng kagawaran, ang pagpapaliban ay bunga ng ‘logistical challenges.’
Nabatid na ang inaprubahang COVID 19 vaccines ng Pfizer ay bukas ng gabi pa lamang darating.
Kinakailangan din na matiyak ang maayos na pamamahagi ng gagamiting bakuna na inilaan sa nabanggit na age category.
Tiniyak naman ng DOH na itinuturing na kritikal ang pagbabakuna ng mga bata sa national vaccination program at para matiyak na may sapat din silang proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.
MOST READ
LATEST STORIES