May naitalang 8,702 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (February 3), pumalo na sa 3,585,461 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 153,335 o 4.3 porsyento ang aktibong kaso.
Nasa 71 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,168 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 15,290 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,377,958 o 94.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES