Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (February 3), 48,447 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,125 ang aktibo pang kaso.
286 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 47,195 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 127 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES