Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.71 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.71 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,719,051 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 917,600.

Sumunod na rito ang Brazil na may 629,078 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 498,987 naman ang death toll sa India habang 332,690 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 307,493
– Peru – 206,220
– United Kingdom – 157,409
– Italy – 147,320
– Indonesia – 144,373
– Colombia – 134,781
– Iran – 132,563
– France – 131,588
– Argentina – 121,834
– Germany – 118,883
– Poland – 105,753
– Ukraine – 100,599

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 385,375,737 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 305,505,386 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...