Pangulong Duterte na-expose sa kasambahay na may COVID 19, naka-quarantine

Naka-quarantine ngayon si Pangulong Duterte matapos magkaroon ng exposure sa isang kasambahay na nadiskubreng positibo sa COVID 19.

Ito ang sinabi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles matapos kumalat ang tsismis na isinugod sa ospital si Pangulong Duterte.

 

Umigting ang tsismis dahil sa kawalan ng ‘Talk to the People’ public briefing ng Punong Ehekutibo higit isang linggo na ang nakakalipas.

 

Ayon pa kay Nograles sumailalim na sa COVID 19 test ang 79-anyos na Punong Ehekutibo at negatibo naman ang resulta.

 

Hindi naman na tinukoy kung saan naka-quaratine ngayon si Pangulong Duterte.

Read more...