Marijuana na galing sa Canada isinahog sa mga candy, buking sa BOC

Arestado ang isang babae matapos kuhanin ang package na nadiskubre na naglalaman ng marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

Ang package ay idineklarang naglalaman ng mga regalo at damit, ngunit nadiskubre na ang marijuana ay isinahog sa gummy candies, samantalang isiniksik naman sa THC Vape Cartridges ang cannabinoid, isang kemikal sa marijuana.

 

Inaresto si Elvira Vicente matapos magpakita ng authorization letter para kuhanin ang package, na mula sa Canada at ipinadala ng isang Vincent Castillo.

 

Ipinaalala naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang marijuana ay itinuturing na ilegal na droga base sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Sasampahan ng kasong paglabag sa naturang batas si Vicente.

Read more...