Sinang-ayunan ng 11 senador ang rekomendasyon na sampahan ng mga kasong kriminal ang 27 aktibo ang dating opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa Pastillas scam.
Pumirma ang 11 senador sa Committee Report No. 542 ni Sen. Risa Hontiveros, na pinangunahan ang pag-iimbestiga ng pinamumunuan niyang Committee on Women sa naturang iskandalo.
“Senate Resolution No. 131 was filed in the wake of continuous media reports on prostitution rings being busted by law enforcement agents. These prostitution rings were found to be serving a largely Chinese clientele, many or most of whom working in various POGO outfits,” ang banggit ni Hontiveros sa kanyang sponsorship speech.
Aniya dalawang korapsyon sa bahagi ng BI ay ang ‘pastillas scheme,’ gayundin ang visa-upon-arrival scheme at sa kanyang pagtataya ay nagbigay ng karagdagang kita na P40 bilyon sa mga sangkot.
Magugunita na nagpakita pa ng video si Hontiveros kung saan mapapanood ang pag-escort ng isang immigration officer sa Chinese nationals sa loob ng kanilang tanggapan.
Kasabay nito, hiniling na rin ni Hontiveros ang pagreporma sa nabanggit na kawanihan.