3 timbog sa buy-bust ng fake vaccination cards sa Quiapo

Agad inaresto ang tatlong lalaki matapos magbenta ng mga pekeng vaccination cards sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang tatlo na sina Ricardo Lugtu, 20; Rafael Gatan, 41 at Samil Adijul Asmadi, 23.

Hinuli sila ng mga tauhan ng MPD Station 14 sa Lakay Printing Services sa Quezon Boulevard.

Sinabi ni MPD Director Leo Francisco ikinasa ang buy-bust sa pagbebenta ng tatlo ng mga pekeng vaccination cards sa halagang P500 bawat isa.

Sasampahan ang tatlo ng mga kasong paglabag sa RA 11332 at falsification of public documents.

 

Read more...