Sen. Leila de Lima humingi ng dasal para sa ina na may COVID 19

 

Kritikal ang kondisyon kayat nanghingi na ng panalangin si Senator Leila de Lima para sa pagbuti ng kondisyon ng kanyang ina na nahawa ng COVID 19.

Sa kanyang sulat mula sa kanyang selda sa Camp Crame, ibinahagi nito na ang kanyang ina ay ginagamot sa isang ospital sa Iriga City at bumabagsak na ang cardio-pulmonary systems nito kayat nanghihingi siya ng dasal para sa ina.

“My 89-year old Mom, who tested positive for COVID-19 three weeks ago, is now in critical condition in our local hospital in Iriga City. Her cardio-pulmonary systems now failing. I ask for prayers. Please God…,” ang mababasa sa sulat ng reelectionist senator.

Noong 2019, nadalaw ni de Lima ang kanyang may sakit na ina nang payagan ito ng mga korte sa Muntinlupa City, na may dumidinig sa kanyang mga kaso.

Una nang napa-ulat na may sakit na dementia ang  nanay ng senadora.

Read more...