Coronation night ng Miss Universe Philippines 2022, itinakda sa April 30

Photo credit: Miss Universe Philippines/Facebook

Itinakda na ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa Abril 30.

Kinumpirma ito ng Miss Universe Philippines Organization sa kanilang social media post noong January 31.

“Join us in making the most prestigious pageant in the country happen,” saad ng organisasyon.

Sisimulan ng organisasyon ang pagproseso ng mga aplikasyon sa buwan ng Pebrero.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang format ng naturang prestihiyosong beauty pageant sa taong 2022.

Matatandaang nakapasok si reigning titleholder Beatrice Luigi Gomez sa Top 5 ng Miss Universe noong December 2021.

Read more...