Consolidation and Canvassing System bawal nang galawin ng Smartmatic

INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC
INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC

Pinagbawalan na ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic na magkaroon ng access sa Consolidation and Canvassing System ng National Board of Canvassers na nasa PICC.

Base sa liham ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim, project director ng 2016 National and Local Elections kay Smartmatic Philippines General Manager Elie Moreno, sinabi nito na kailangan munang humingi ng permiso mula sa NBOC o sa Project Monitoring Office ang Smartmatic bago ang mga ito maka-access sa lugar.

Ipinaalala rin ni Lim na ang NBOC ang siya lamang may kontrol sa CCS workstation.

Lahat din ayon kay Lim ng mga kagamitan o sistema na kailangan i-examine ng Smartmatic ay kailangang may pahintulot mula sa kanya bago gumawa ng anumang hakbang.

Bilang pagsasaalang-alang sa transparency, anumang hakbang na gagawin ng Smartmatic na may kinalaman sa sistema ng CCS, dapat abisuhan muna ang lahat ng mga partido.

Ang kautusan ni Lim ay kasunod ng nangyaring pagbabago sa command ng transparency server ng Comelec sa PPCRV command center.

 

Read more...