Fetus natagpuan sa banyo ng NAIA terminal 3

NAIA Terminal 3Nadiskubre ang isang anim na buwang gulang na babaeng fetus na itinapon sa basurahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa mga rumespondeng medical personnel, puno pa ng dugo ang nakitang fetus.

Ang janitress ng paliparan na si Elvira Dejon ang nakakita sa fetus sa loob ng banyo sa harap ng gate 118 ng NAIA Terminal 3.

Naniniwala si Captain Tim Cruz, head ng Airport Police na galing ang fetus sa isang paalis na pasahero ng isang domestic flight.

Kinuwestyon ni Dejon ang isang babaeng pasahero na huli nitong nakitang lumabas mula sa comfort room pero itinanggi nito na sa kanya galing ang fetus.

Sinusuri na ng airport authority ang close circuit television (CCTV) camera para makilala ang ina.

Ibinigay na ang fetus sa Pasay Police para sa imbestigasyon.

 

 

Read more...