Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na lahat ng major tourist destinations’ workers ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Kabilang sa mga itinuturing na major tourist destinations ang Boracay, Baguio, at iba pa.
Sa Palace press briefing, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nasa booster program na ang tourism workers sa major tourist destinations.
Sa National Capital Region, 100 porsyento na aniyang bakunado at nasa 57 porsyento ang nabigyan ng booster shot.
Tuluy-tuloy naman ang pagbabakuna sa iba pang destinasyon sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES