10-Point Bilis Kilos Economic Agenda, inilahad ni Mayor Isko Moreno

Screengrab from video of Mayor Isko Moreno on Facebook

Inilahad ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno ang 10-point Bilis Kilos Economic Agenda.

Kung papalaring manalong pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon, uunahin ni Moreno ang pabahay, edukasyon, Labor and Employment, Health, Tourism at Creatives, Infrastructure, Digital Information and Industry 4.0, Agriculture, Good Governance, at Smart Governance.

Sa ilalim ng administrasyon ni Moreno, maglalaan ang national government ng 1.3 porsyento ng gross domestic product (GDP) para sa pabahay kada taon para maabot ang target na makapagpatayo ng isang milyong disaster-resilient housing units sa anim na taong panunungkulan.

Tinatayang 4.5 milyong homeless persons, kung saan 3 milyon ang nasa Metro Manila ang inaasahang mabibigyan ng bahay gaya ng ginawa na vertical housing projects na Manila’s Tondominium, Binondominium at Basecommunity na malapit lamang sa trabaho ng mga residente.

“We will put in place honest, competent, progressive, passionate, cooperative, goal-oriented and hardworking teams who value Meritocracy, Equity, Diversity and Inclusion (EDI) in leadership positions at government agencies,” pahayag ni Moreno.

Read more...