Davao del Norte, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Davao del Norte, Lunes ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Southeast ng Island Garden City of Samal bandang 10:24 ng umaga.

61 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, napaulat ang intensity 3 sa Davao City at instrumental intensity 2 sa kaparehong lugar.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks sa mga karatig-bayan.

Read more...