Presyo ng produktong petrolyo, tataas bukas

Abiso sa mga motorista.

Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Petro Gazz at Shell, may dagdag na P0.75 sa kada litro ng diesel habang P0.75 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P0.45 sa bawat litro ng kerosene ng Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga (February 1).

Dakong 4:01, Martes ng hapon naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...