Ikalimang kaso ng Zika virus sa bansa, kinumpirma ng DOH

Zika virusKinumpirma ng Department of Health (DOH) na muli silang nakapagtala ng panibagong kaso ng Zika virus sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Janette Loreto-Garin, isang Korean National na bumiyahe dito sa Pilipinas kamakailan ang nagpositibo sa virus.

Noong May 11, araw ng Miyerkules nang mag-positibo sa virus ang 39-anyos na Korean national.

Nakauwi na aniya sa Korea ang nasabing indibidwal at patuloy na sinusuri sa pagamutan doon.

Sinabi ni Garin na bumubuti naman na ang kondisyon ng nasabing dayuhan.

Ito na ang ikalimang kaso ng Zika virus sa bansa na naitatala ng DOH.

 

Read more...