World’s oldest person, pumanaw sa edad na 116

(AP Photo/Richard Drew, File)
(AP Photo/Richard Drew, File)

Pumanaw na sa edad na 116 ang itinuturing na world’s oldest person.

Si Susannah Mushatt Jones, ay nasawi sa New York.

Ayon kay Robert Young, senior consultant mula sa Gerontology Research Group, pumanaw si Jones sa senior home sa Brooklyn noong Huwebes ng gabi.

Sampung araw na umano itong nakaratay bago siya nasawi.

Si Jones ay mula sa isang maliit na farm town sa Montgomery, Alabama. Labing isa silang magkakapatid.

Itinanghal si Jones na oldest person ng Guinness World Records’ makaraang masawi noong nakaraang taon si Misao Okawa sa edad na 117.

Sa ngayon ayon kay Young, ang 116-year-old na si Emma Morano ng Italy at mas bata ng ilang buwan kay Jones ang maituturing nang world’s oldest person.

 

 

Read more...