132 na pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 132 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (January 31), 48,193 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,607 ang aktibo pang kaso.

122 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 46,460 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...