Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 375.09 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 375.09 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 375,099,572 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 75,578,076 cases.

Sumunod na rito ang India na may 41,265,684 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 25,351,489 naman ang kaso sa Brazil habang 19,058,073 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 16,468,522
– Russia – 11,737,007
– Turkey – 11,526,621
– Italy – 10,925,485
– Spain – 9,779,130
– Germany – 9,776,648
– Argentina – 8,335,184
– Iran – 6,344,179
– Colombia – 5,871,977

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,681,386 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 296,346,470 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...