Higit 300 na pulis, gumaling na sa COVID-19

Nasa 132 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (January 29), 47,994 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,693 ang aktibo pang kaso.

301 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 46,175 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...