Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.66 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.66 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,668,110 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 905,661.

Sumunod na rito ang Brazil na may 625,948 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 493,218 naman ang death toll sa India habang 329,443 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 305,240
– Peru – 204,940
– United Kingdom – 155,317
– Italy – 145,537
– Indonesia – 144,268
– Colombia – 133,560
– Iran – 132,356
– France – 130,278
– Argentina – 120,657
– Germany – 118,244
– Poland – 104,907

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 370,456,718 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 292,470,374 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...