Koalisyon ng pro-Federalism groups binuo para suportahan si Mayor Sara Duterte

Nagsama-sama ang ilang grupo na sumusuporta sa pederalismo para mabuo ang isang koalisyon para suportahan ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Pinangunahan ng People’s National Council for Federalism, Inc. (PNC ReVGov), na nagsusulong ng revolutionary government, ang pagbuo ng tinawag nilang Sara 4 Vice President o S4VP.

Sinabi ni PNC RevGov Sec-Gen. Bobby Brillante na sa hanay ng mga vice presidential aspirants, natatanging si Duterte lamang ang may tutoong political will para magkaroon ng tunay na pagbabago.

Nabanggit pa nito na sa kanilang palagay ay mas matindi ang paninindigan at mahihigitan pa ni Duterte ang nagawa ng kanyang ama, si Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Brillante, ipinagpapatuloy lamang nila ang pagsuporta at pag-uudyok nila noong 2015 kay Pangulong Duterte na sumabak sa presidential race at ngayon ang kanilang sinusuportahan naman ay ang presidential daughter.

Kasabay ng paglulunsad ng S4VP ay ang pagpapasinaya naman ng kanilang national headquarters sa Taguig City.

Kabilang pa sa bumubuo sa S4VP ay sina Ms Phebie Jame Dy, chairperson ng Stone of Hope Defense Foundation, Inc. at Lt Gen Arthur I. Tabaquero (AFP Ret), chairman ng Artillery Foundation of the Philippines, Inc. at nagsisilbing  presidential adviser for Military Affairs.

Kasama din sa kanila ang Cordillera People’s Liberation Army at Moro National Liberation Front.

Read more...