Naihatid na relief goods ng PCG para sa ‘Odette’ victims, higit 3,000 tonelada na

Wala pa ring humpay ang pagpapadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga ayuda sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo ang mga probinsya sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.

Sa datos hanggang Sabado, January 29, umabot na sa 1,777.5 na tonelada ng relief goods ang naibiyahe ng PCG vessels at air assets.

Napadala na rin ng PCGA aircraft at private vessels ang 1,419.6 na tonelada ng iba’t ibang suplay.

Dahil dito, nasa 3,197.1 na tonelada ng relief goods at critical supplies ang naibiyahe ng ahensya para sa rehabilitasyon ng iba’t ibang probinsya simula noong December 19, 2021.

Read more...