Dahil sa hindi pagsunod sa protocol, Smartmatic posibleng ma-disqualify sa susunod na bidding

Twitter Photo/Commissioner Guanzon
Twitter Photo/Commissioner Guanzon

Pag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapataw ng diskwalipikasyon sa Smartmatic sa mga susunod na bidding sa automated elections.

Matapos ang isinagawang demo si Marlon Garcia, technical support team leader ng Smartmatic, galit na humarap sa media si Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon kay Guanzon, titingnan nila ang kontrata sa Smartmatic upang mabatid kung ang paglabag nito sa protocol ay sapat na dahilan upang ma-disqualify ang kumpanya sa mga susunod na bidding ng komisyon.

Sinabi ni Guanzon na aalamin din nila kung ano ang sinabi ng Smartmatic sa kanilang tauhan at napapayag ang mga ito na ilagay ang password ng Comelec upang makapagpalit ng hash code.

“The Smartmatic, in my opinion, breached our protocol and for that, they should be liable to the Comelec. They should be liable to the people of the Philippines,” ayon kay Guanzon.

Sinabi ni Guanzon na dapat binigyang impormasyon ng Smartmatic ang Comelec en banc hinggil sa problema at saka ibinigay ang rekomendasyon kung paano ito maaayos.

Sa kabilang ng pagka-irita, iginiit ni Guanzon ang naunang pahayag ng Comelec na walang naging epekto sa resulta ang pagpapalit ng hash code.

 

Read more...