Winasak ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga kubol at iba pang ilegal na tirahan sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng halos 500 piraso ng ibat-ibang uri ng armas.
Sinabi ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag layon nito na malinis ang East Quadrant ng mga nakatagong armas, gayundin ng ibang kontrabando.
Aniya personal pang pinangasiwaan ni BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag ang operasyon na nagsimula ng ala-5 ng madaling araw kanina sa tulong ng NCRPO at Philippine Coast Guard.
“The removal of kubols were made possible as the old dormitories inside the East Quadrant are now renovated and improved to increase their holding capacity. The cleared area will become common areas for group activities such as sports and educational projects,” sabi pa ni Chaclag at aniya magsasagawa din ng katulad na operasyon sa iba pang bahagi ng pambansang piitan.
Magugunita na noong Enero 2, nagkaroon ng riot sa Bilibid na sinundan ng pagtakas ng apat na preso noong Enero 17.
Nagresulta ang dalawang insidente sa pagkamatay ng limang preso at pagkakasugat ng 19 indibiduwal.