Pilipinas, nakapagtala ng 18,638 na bagong kaso ng COVID-19

May naitalang 18,638 na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (January 28), pumalo na sa 3,511,491 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 231,658 o 6.6 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 68 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 53,801 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 13,106 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,226,032 o 91.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...