Dalawang firetrucks, limang ambulansya nai-turnover na sa Mandaluyong

Photo credit: Office of Deputy Speaker Gonzales

Pinangunahan ni Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II ang turnover ceremony ng dalawang firetrucks at limang ambulansya sa Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang barangay, araw ng Biyernes (January 28).

Layon nitong mapalakas ang emergency response sa lungsod sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic at naganap na sunog sa ilang bahagi ng Mandaluyong.

Dalawang unit ng 54-meter aerial ladder firetrucks ang nai-turnover sa BFP Mandaluyong.

Nagkakahalaga naman ng P2.4 milyon ang bawat ambulansya at ibinigay sa Barangay Addition Hills, Barangay Hulo, Barangay Vergara, Command and Control Center (C3), at National Center for Mental Health.

“We are elated and thankful that, through our continuous efforts and lobbying in Congress, we are finally able to push for these firetrucks and ambulances which will play a crucial role in serving our constituents here in Mandaluyong during times of disasters and emergencies,” pahayag ni Gonzales.

Dagdag nito, “We hope that through these firetrucks, we will be able to boost our firefighters’ capabilities against fire incidents especially for high-rise buildings in the city, as well as crowded areas where elevated firefighting mechanisms would have better reach.”

Makatutulong din aniya ang inisyal na limang ambulasya mula sa Department of Health (DOH) upang matugunan ang atensyong medikal ng mga residente sa lungsod.

Saad pa nito, “These are testaments of our commitment to public service during these challenging times. Our people deserve no less.”

Sinabi pa ng mambabatas na mahalaga ang firetrucks at mga ambulansya sakaling magkaroon ng insidente na manganganib ang buhay ng mga residente.

“Rest assured that we will continue to push for these relevant projects that would better serve our city, and would put to good use our taxpayers’ hard-earned money,” aniya pa.

Read more...