“It will be an unprecedented campaign season so we hope that the candidates will set an example to the public of how they should obey our campaign guidelines,” pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.
Itinakda ng Comelec resolution 10732 ang ‘new normal’ sa pagdaraos ng physical campaigns, rallies, meetings, at iba pang kahalintulad na aktibidad.
Nakasaad din sa resolusyon na kailangang sundin ang minimum public health standards, base sa abiso ng Department of Health (DOH).
Ipinagbabawal naman sa ilalim ng in-person activities ang house-to-house campaigning kahit na mayroong permiso sa may-ari, crowding, handshaking o iba pang uri ng physical contact, pakikipag-selfie na may malapit na contact sa mga tao, at pamamahagi ng pagkain at inumin. Bawal din ang mga nabanggit na tuntunin sa mas malaking campaign events.
“Our police personnel shall exercise vigilance in monitoring election-related activities while maintaining our being apolitical,” ayon sa PNP Chief.
Humiling naman ang pambansang pulisya sa publiko na tumulong sa pamamagitan ng pag-report ng mga paglabag sa campaign provisions.
Magsisimula ang campaign period para sa national candidates sa February 8, 2022.