Sinabi ng kagawaran na 91.29 porsyento ng 677 samples na sinuri ang positibo sa naturang variant.
Kapwa na-detect ang original Omicron lineage na B.1.1.529 at ang sub-lineages nito na BA.1 at BA.2.
Ayon sa DOH, unang na-detect ang BA.2 sub-lineage noong December 31, 2021, at napag-alamang karamihan sa Omicron cases sa pinakahuling batch ay apektado nito.
Sa 618 na karagdagang Omicron variant cases, 497 ang local cases habang 121 naman ang returning overseas Filipinos.
Sa ngayon, 13 pang kaso ang aktibo, dalawa ang pumanaw at 560 ang naka-recover na. Bineberipika naman ang 43 pang kaso.
Sinabi ng DOH na umakyat na sa 1,153 ang kabuuang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Samantala, may napaulat na karagdagang 35 kaso ng Delta variant sa Pilipinas; 26 rito ay local cases at siyam ang returning overseas Filipinos.
Bunsod nito, umabot na sa 8,647 ang kumpirmadong bilang ng Delta variant cases sa bansa.