Balut Island, Davao Occidental nilindol

Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Davao Occidental, Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, napaulat ang episentro ng lindol sa layong 345 kilometers Southeast ng Balut Island, munisipalidad ng Sarangani.

Naramdaman ang lindol bandang 2:15 ng hapon.

May lalim ang pagyanig na 177 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

Read more...