Aabot sa 526 armas ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa mga serye ng street inspections na ikinasa ng Civil Security Group – Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (CSG-SOSIA) mula January 1 hanggang 20.
Personal na sinaksihan ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos ang turnover ng mga armas, araw ng Miyerkules (January 26).
Binati naman ni Carlos ang mga PNP personnel, “Kudos to the CSG and SOSIA hierarchies for these achievements which are in tune to my directives, for all PNP Personnel to do what is expected of them, and that is to do what is right.”
Nakumpiska ang mga armas, na karamihan ay caliber, dahil sa kabiguang magpakita ng valid permit o license to own and possess a firearm.
Ilan pa sa mga armas ay sira o may kaparehong serial numbers.
“This comes with a penalty. The law which governs the security industry, RA 5487, as amended and it’s 2003 Revised IRR directs that the penalty to firearms violations are graded as “Grave Offenses” and entails a P50,000 fine for the first offense and cancellation/revocation of License to Operate for the Private Security Service Providers for the second offense,” saad ng PNP Chief.
Ipinag-utos naman ng pambansang pulisya sa lahat ng Private Security Stakeholders na tumalima sa mga patakaran ng security industry at alamin ang pinakahuling SOSIA Memorandum-Advisories para maiwasan ang paglabag sa mga probisyon.
Katuwang ang iba pang mga ahensya, nagsasagawa ang PNP ng mga kinakailangang police operations upang maprotektahan ang publiko.