Marawi Siege Compensation Act lusot na sa 2nd reading sa Senado

SENATE PRIB PHOTO

Ipinagdiinan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kailangan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Marawi City siege kayat isinusulong niya ng husto ang Marawi Siege Compensation Act.

 

Noong Martes, lumusot na sa second reading ang Senate Bill No. 2420 na iniakda ni Zubiri.

 

“We thank our colleagues for passing this bill on second reading. We need this to give social justice to the victims of the Marawi siege. The fact of the matter is, when you go to Marawi and Lanao del Sur, many of our kababayans there are still without homes, and still have no means of renovating or rebuilding their homes that were destroyed in the siege,” sabi pa ni Zubiri.

 

Noong 2018, itinulak din ni Zubiri hanggang sa maging ganap na batas ang Bangsamoro Organic Law, bilang bahagi ng tugon sa pagkubkob sa lungsod ng Marawi.

 

“We saw that if we did not address the concerns of just and lasting peace and social justice for our brothers and sisters in Muslim Mindanao, these acts of terrorism would keep happening in other cities later on,” aniya.

 

Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng Marawi Compensation Board para pangsiwaan ang pagbibigay tulong sa mga naapektuhan ng Marawi City siege.

Read more...