Pagbakuna sa mga edad 5 – 11 sisimulan sa Pebrero 4

Tiniyak ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na magsisimula sa darating na Pebrero 4 ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.

 

Sinabi nito na dadating na sa bansa ang tinatawag na vaccine special formulation ng Pfizer para sa nabanggit na age group.

 

Paliwanag niya ang formulation ay 10 micrograms lamang kada dose kumpara sa 30 micrograms para sa mga may edad 12 pataas.

 

Sisimulan ang bakunahan sa Metro Manila, sa 24 vaccination sites at makalipas ang isang linggo ay ikakasa na rin ito sa ibang rehiyon.

 

Nabanggit din ni Galvez na pina-plano na ang pagbibigay ng booster shots para sa mga bata.

 

Read more...