15,789 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa bansa

Nakapagtala ng 15,789 na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 26), pumalo na sa 3,475,293 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 230,410 o 6.6 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 66 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 53,664 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 32,712 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,191,219 o 91.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...