Ticket sa laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023, maaring mabili simula sa March 1

Photo credit: FIBA Basketball World Cup/Facebook

Simula sa March 1, 2022 maari nang makabili ng ticket ang mga fans upang matunghayan ang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.

Aabot sa 1,100 team passes ang maaring mabili online sa pamamagitan ng official website ng FIBA mula March 1 hanggang 31.

Simula noong 1978, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas sa naturang event, kasama ang Japan at Indonesia.

Magsisilbi bilang venue sa World Cup games ang Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena, at Philippine Arena.

Upang makakuha ng pinakahuling balita ukol sa tickets para sa FIBA World Cup, mag-register sa https://register.worldcup.basketball.

Read more...