Panibagong importasyon ng isda, ipinatitigil ni Legarda

Tutol si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa pag-apruba ni Agriculture Secretary William Dar sa panibagong importasyon ng 60 na tonelada ng isda mula sa China.

Ipinatitigil ni Legarda ang pag-aangkat nang tone-toneladang galunggong at iba pang uri ng isda sa gitna ng sapat na suplay ng bansa.

Ayon sa three-term senator, hindi katanggap-tanggap at walang katuturan ang desisyon ni ni Dar na mag-angkat pa ng mga isda dahil mistulang pinapatay na nito ang mga pamilya ng mga mangingisda.

Hindi aniya makatwiran na gamiting batayan ng DA ang pinsalang idinulot ng bagyong Odette sa fishery sector at ang ipinaiiral na fishing ban simula noong November 2021 pero magtatapos na ito sa February 2022.

Base sa data ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources — Fisheries Inspection and Quarantine Division noong January 12, 14,349 metrikong tonelada ng isda pa lamang ang naibebenta sa merkado, ani Legarda.

Sa 60 metriko toneladang inilaan para sa 25 importers, nasa 36,962 metriko toneladang isda ang dumating na at nakaimbak sa storage.

Read more...