Bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 Omicron variant, umakyat na sa lima

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang pagpanaw ng tatlo pang indibiduwal na apektado ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa lima ang Omicron-related fatalities sa bansa.

Tatlo sa nasabing bilang ay senior citizen na mayroong comorbidities.

Sinabi pa nito na isa sa mga pumanaw ang partially vaccinated, isa ang unvaccinated, habang tatlo ang bineberipika pa.

Sa ngayon, nasa 535 ang naitalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Read more...