Drilon, Cayetano kontra sa non-working Tagaytay City Day

Hindi pabor si Senate Minority Leader Frank Drilon sa panukalang ideklara ang Hunyo 21 kada taon na special non-working holiday sa Tagaytay City.

Katuwiran ni Drilon, isang araw na sahod ang mawawala sa mga manggagawa kung gagawing non-working holiday ang Tagaytay City Day.

Aniya, kung papasukin naman ang mga manggagawa karagdagang gastos ito sa bahagi ng mga negosyante.

Dagdag pa ng senador, kinakailangang magkaroon ng pamantayan sa pagdedeklara ng special non-working holidays sa bansa.

Suportado naman ni Sen. Pia Cayetano ang argumento ni Drilon sa pagsasabing may epekto sa ekonomiya ang pagtatakda ng non-working holiday.

Dagdag pa ni Cayetano, marami ng bansa sa mundo ang masusing ikinokonsidera ang non-working holidays dahil epekto sa ekonomiya.

Samantala, sinabi ni Sen. Sonny Angara na noong 17th Congress ay ipinanukala niyang magkaroon ng ‘standards’ sa pagdedeklara ng non working holidays ngunit walang nangyari.

Depensa naman ni Sen. Francis Tolentino, na nag-sponsor ng panukala, nais lamang ng mga tubong Tagaytay City na makikila ang kanilang kakaibang ‘cultural identity.’

Read more...